
Like mother, like daughter. Tuwang-tuwa ang celebrity mommies na sina Marian Rivera at Camille Prats sa kanilang mga girls.
Kapansin-pansin ang twinning nina Mommy Marian at Baby Zia sa kanilang mga outfits at pati sa kanilang favorite na “Ay, may daga!” pose kada may bakasyon ang pamilya Dantes.
Madalas na nakukuha sa mga larawan at video ang kulitan ng mag-ina. Kuwento ni Yan-Yan, “Palagi naman kami naglalaro ng anak ko so may mga pagkakataon na hindi naman kailangan palaging scripted. Napaka-authentic ng mga nangyayari o mga expression niya bilang bata siya so nakakatuwa lang.”
Masaya naman ang Mars TV host sa kanyang baby girl na si Nala na nagbibigay saya sa mga nakapaligid sa kanya at sa social media.
“Sobrang saya lang na ang happy baby niya kasi talaga kaya din siguro somehow nakakapagbigay din siya ng saya sa mga followers,” saad ni Mommy Camille sa report ng Unang Hirit.
We can’t wait to see these girls grow up! Siguradong magiging inspirasyon din sila tulad ng kanilang mga celebrity mommas.
Video courtesy of GMA News