
Matapos magbalik sa weekly anthology na Tadhana, magbabalik na rin sa Sunday Pinasaya si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
"This coming October, babalik na ako sa Sunday Pinasaya," pag-amin ni Marian.
"Na-miss ko rin. Actually, si Kambal [Aiai Delas Alas] nga tine-text ako. Sabi niya, 'Kambi bumalik ka na!'"
Aminado naman si Marian na hindi pa siya handang gumawa ng isang teleserye dahil nakatutok siya sa pagpapalaki sa kanyang five-month-old baby na si Ziggy.
Suportado rin ni Marian ang pagpunta ng kanyang asawa na si Dingdong sa Germany para sa Berlin Marathon.
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras: