
Sa press conference ng Super Ma'am, naikuwento ni Marian Rivera na para rin talaga sa mga guro ang kanyang bagong programa. Aniya, "Ito siguro 'yung isa sa mga paraan para mamulat ang mga mata nila, na ang mga teacher kailangan nirerespeto natin, pinapakinggan natin. At tinuturing nating pangalawang magulang natin."
Dagdag pa niya, "[Para ito sa] mga teacher na dedicated sa trabaho nila, at walang sawang mahalin at turuan ang mga estudyante nila."
Si Marian ay gaganap bilang si Minerva na later on ay makikilala bilang si Super Ma'am, ang teacher sa umaga at taga-tsugi ng mga kampon ng kasamaan sa gabi.
Panoorin ang full report ni Cata Tibayan para sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News
Abangan ang pagbabalik ng Kapuso Primetime Queen sa Super Ma'am ngayong September 18 na!