
Sa premiere night ng Almost A Love Story nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio, ikinuwento ni Marian Rivera sa interview niya with 24 Oras na may upcoming GMA project na siya. Aniya, "Malapit na dahil napresenta na nila sa akin 'yung kuwento ng bago kong soap. Very excited ako dahil parang first time kong gagawin ito."
Nagkuwento rin ang aktres tungkol sa kanilang trip sa Spain kasama si Dong at Zia, kung saan naka-bonding ng kanyang ama ang apo niya. Aniya, "Sobra, nag-enjoy siya [si Zia] lalo na 'pag nakikita niya 'yung lolo niya."
May balak na ba sina Yan at Dong mag-baby number two? Ika niya, "'Pag dumating, very ano naman [very open] kami ni Dong, at hindi naman namin 'yan ipagkakait [na sabihin] sa mga taong nagmamahal sa amin."
Panoorin ang buong report sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News