
Matagumpay ang fund drive ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera para sa charity na Smile Train na sinusuportahan niya sa loob ng apat na taon.
READ: Dingdong, Marian celebrate Smile Train's 30,000th cleft surgery in PHL
Matatandaan na noong Mayo, inilunsad ng Kapuso actress ang "Yan Ang T-shirt" campaign at matapos lamang ang ilang buwan ay nakalikom sila nang kalahating milyong piso na gagamitin para matulungan ang mga batang may bingot.
Sa video na inupload ni Alexa Villano sa Twitter, makikita ang panayam ni Yan kay GMA Showbiz reporter Lhar Santiago.
Dito ikinuwento ng aktres kung gaano siya kasaya na naging successful ang proyekto niyang "Yan Ang T-shirt."
Saad niya, “Halos 40 bata mabibigyan natin actually ng bagong buhay, bagong ngiti na walang silang iisipin ano man… Actually itong birthday ko na 'to ang pinakamaraming patient na matutulungan natin.”
“At gusto ko din Tito Lhar i-extend 'yung pagti-thank you sa mga suporta at naniniwala dun sa t-shirt ko na "Yan Ang Smile," kasi kung hindi din dahil sa kanila, hindi ko mabubuo ang Php 500,000.”
“Kaya taos puso akong nagpapasalamat na hindi magiging buo ang araw na ito kung hindi dahil sa tulong nila para sa mga batang nangangailangan.”
Marian has been involved with Smile Train for 4 years. This is just one of the many organizations she supports. pic.twitter.com/dj1Gsc8dsQ
-- alexa villano (@alexavillano) August 10, 2018
Sa isa pang video, ikinuwento naman ng Kapuso Primetime Queen kung paano niya ipinapaliwanag sa baby daughter niya na si Zia ang kahalagahan ng ginagawa niyang advocacy para sa Smile Train.
Paliwanag ni Marian na mahalaga na ipamulat kay Zia habang maaga ang sitwasyon ng mga batang may bingot.
“Aware siya, alam niya. Actually, hinatid ko siya sa school kanina alam niya kung saan ako pupunta today. So bata pa lang gusto ko namumulat siya sa mga nakikita niya, kasi ang mga bata very transparent yan.
“Kung ano nakikita niya sasabihan niya 'Mama bakit may ganun? Bakit ganito? Bakit ganun siya? So, dapat ganun pa lang age may awareness na sila na bakit nagkakaroon ng ganun ang isang bata na hindi dapat ganiyan ang treatment. Kailangan ganito ang gagawin mo. So dapat aware sila.”
WATCH: Marian talks about getting involved with Smile Train. pic.twitter.com/M43e7ZRwV6
-- alexa villano (@alexavillano) August 10, 2018
Ang Smile Train ay isang organization na nagbibigay ng libreng corrective surgery sa libo-libong batang ipinanganak na may hiwa sa labi o butas sa ngala-ngala.