What's on TV

WATCH: Marian Rivera, hinandugan ng 'Super Ma'am' team ng isang birthday surprise

By Al Kendrick Noguera
Published August 9, 2017 10:15 AM PHT
Updated September 9, 2017 11:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rain over parts of PH on first day of 2026 — PAGASA
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi raw madaling ma-surprise ang Kapuso Primetime Queen. Paano kaya ito nagawa ng Super Ma'am team?

Ngayong darating na August 12, ipagdiriwang na ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang kanyang kaarawan. At dahil malapit na ang espesyal na araw na ito, nagkaroon ng advanced birthday surprise ang cast at crew ng bagong teleserye ng aktres na Super Ma'am.

Sa ulat ni Cata Tibayan sa 24 Oras, ibinahagi ni Marian na hindi niya raw talaga inasahan ang sorpresa ng kanyang Super Ma'am family. Aniya, "Sabi lang, kailangan kang pumunta sa tent. Gusto ni Direk na sabay kayo kumain kasi may idi-discuss daw siya sa 'yo.  Ito yata 'yung isa sa mga na-surprise ako na hindi ko talaga in-expect."

Itinuturing daw ni Marian na blessing ang kanyang bagong Kapuso teleserye na Super Ma'am at sana raw ay magustuhan ng viewers ang kanyang pagbabalik sa primetime. "Sana ay ikatuwa nila at tangkilikin talaga nila," saad niya,

Bukod pa rito, may iba pang wish si Marian. "Siyempre may personal din akong wish. Itong birthday ko, sana mag-donate sila sa Smile Train Philippines para mas maraming bata ang matulungan at maipagamot 'yung mga labi nila para muli silang makangiti," pahayag ng ambassador ng nasabing non-profit organization na tumutulong sa mga batang may cleft lip at cleft palate.

Video courtesy of GMA News