What's Hot

WATCH: Marian Rivera, ibinahagi ang pinaglilihian sa second pregnancy

By Marah Ruiz
Published October 3, 2018 10:30 AM PHT
Updated October 4, 2018 8:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: La Salle beats Adamson to stay undefeated in eight games
Ashley Ortega and Shuvee Etrata stun on local magazine cover
4 ash emissions logged at Kanlaon Volcano in 8 hours

Article Inside Page


Showbiz News



Marian Rivera, kaiba ang paglilihi ngayon kumpara nang ipinagbubuntis niya si Zia. Alamin kung ano ang pinaglilihian niya rito:

Kahit buntis, tuloy pa rin ang paghahanda ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera para sa upcoming concert na Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim, California.

Sa katunayan, magkakaroon pa daw sila ng showdown ng kanyang mabuting kaibigan na si Aiai delas Alas.

"Wala namang hagis pero sasayaw kami. Magkakaroon kami ng 'Budots' showdown ni Kambal," pahayag ni Marian.

Dahil sa kanyang kundisyon, sasamahan naman daw siya ng kanyang mister na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes habang nasa Amerika.

"Kaya nga sobrang thankful din ako sa asawa ko. Sabi niya, bilang ganyan ang kalagayan mo kailangan kasama mo ako at kailangan kitang i-guide talaga," aniya.

Ibinahagi din ni Marian ang kaibahan ng kanyang pangalawang pagbubuntis kaysa sa una.

"Medyo mahilig lang akong sobrang kumain ngayon.

“Unlike kay Zia, parang gusto ko lang mapuputing candy, puro ganoon lang. Pero this time iba," kuwento niya.

Dagdag pa niya tungkol sa kanyang paglilihi, "Una kong hinanap kasi, kamias eh--lahat ng maaasim naman.”

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras: