What's on TV

WATCH: Marian Rivera, may payo para sa pag-prepare ng pagkain ng mga babies

By ANN CHARMAINE AQUINO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 23, 2017 5:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



"Ang advice ko kahit isang araw na available sila, puwede naman nilang lutuin 'yun para sa anak tapos i-save nila. Ilagay nila sa container. Huwag lang itago ng masyadong matagal. Siguro maximum ng three days lang o four days." - Marian Rivera

Para kay Marian Rivera, ang nutrients na nakukuha ng kanyang anak sa pagkain ang pinakaimportante. Kaya naman sa kanyang pagbisita sa Sarap Diva ibinahagi niya ang ilan sa kanyang mga ginagawa sa paghahanda ng pagkain para kay Baby Zia.

Kuwento ni Marian, ang pagluluto ng gulay ay kanyang paraan para sanayin si Zia na kumain ng masusustansiyang pagkain. Aniya, "Gusto kong sanayin 'yung anak ko na mahilig kumain ng vegetables eh. Kasi ako, sa lola ko talagang nahiligan kong kumain ng vegetables."

Kahit busy si Marian sa kanyang showbiz commitments, sinisiguro niyang may nakahandandang pagkain para kay Zia lalo na ang kanyang paborito na spinach.

Kuwento ni Marian, "'Pag may trabaho ako at kinakailangan, 'yung ginagawa kong pagkain good for two or three days."

Ibinahagi rin ng Kapuso Primetime Queen na nagiimbento rin siya ng mga recipe para sa mga inihahanda niya kay Zia para hindi ito agad na magsasawa.

Sa mga working moms tulad ni Marian, may tip siya na ibinigay para masigurong healthy ang kinakain ng mga bata. Aniya, "Mas maganda pa rin, Ate (Regine Velasquez-Alcasid), na ibigay natin sa anak [natin] 'yung totoong pagkain. Mas masustansya, mas hindi magiging pihikan. Kasi kung puro wala lang, puro instant lang, parang ang hirap."

Dagdag pa ni Marian, "Ang advice ko kahit isang araw na available sila, puwede naman nilang lutuin 'yun para sa anak tapos i-save nila. Ilagay nila sa container. Huwag lang itago ng masyadong matagal. Siguro maximum ng three days lang o four days."

Panoorin rito ang homemade baby food recipe ni Marian na pini-prepare niya kay Baby Zia:

MORE ON 'SARAP DIVA':

WATCH: Marian Rivera at Boobay, naiyak nang alalahanin ang pagka-stroke ng komedyante

WATCH: Paano lambingin ni Baby Zia sina Dingdong Dantes at Marian Rivera?