
Tatlong buwan matapos ipanganak ang kanyang second baby na si Ziggy, balik-trabaho na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Muli na siyang mapapanood bilang host ng weekly OFW drama anthology na Tadhana.
Binigyan ng programa si Marian ng isang munting sorpresa para i-celebrate ang kanyang pagbabalik.
Lubos daw niyang na-enjoy ang kanyang bakasyon dahil "fulfillment" para sa kanya na maging isang hands on mommy.
"'Yung fulfillment bilang isang nanay, 'yung pakiramdam na hindi mapupnan ng kahit ano.
“'Yung pakakaroon ng anak, sobrang pricelss talaga," ani Marian tungkol sa kanyang maternity leave.
Mapapanood na si Marian sa episode ng Tadhana sa susunod na linggo.
Panoorin ang buong ulat ng 24 Oras: