
Mukhang masusundan na agad si Baby Zia!
Mukhang masusundan na agad si Baby Zia!
Bumisita sa Quiapo sina Marian Rivera at Aiai Delas Alas para kumonsulta sa isang manghuhula sa previous episode ng 'Yan ang Morning!.'
Pagkatapos alamin ang full name ni Marian, binasa ng manghuhula ang kapalaran ng Kapuso Primetime Queen sa pamamagitan ng tarot cards.
Payo ng manghuhula kay Marian, iwasan daw niya ang pagiging matampuhin. "Mabait siya (Marian), pero kapag ayaw niya, ayaw niya," pahayag ng manghuhula.
Mayroon ding nabasa tungkol sa kanyang love life. Anang manghuhula, "Pagdating sa iyong loved one, wala ka ng kapalit. 'Wag ka lang masyadong [magselos], may pagkaselosa ka kasi kung minsan."
Pero ang pinakainteresadong si Marian na malaman ay kung ilan ba ang kanilang magiging anak ni Dingdong Dantes. "Babae [ang susunod na magiging anak mo]. Tatlo ang magiging anak mo. Isa [lalaki]," saad ng manghuhula.
Dagdag pa ng manghuhula, "Gusto rin ng husband mo na magkaanak ka pang muli. Gusto niya hanggang tatlo."
Hindi napigilan ni Marian na ipakita ang kanyang excitement nang marinig ang magandang balita. Ayon pa sa kanya, tama raw ang hula dahil tatlong anak din daw ang request ni Dingdong.
Sunod na itinanong ni Marian kung kailan daw siya magbubuntis. Sagot ng manghuhula, "[Sa] 2017."
Panoorin ang kabuuan ng video na mula sa epiosde ng Yan ang Morning!:
MORE ON DONGYAN:
READ: Marian Rivera's sweet birthday message to Dingdong Dantes
LOOK: At home with Dingdong Dantes, Marian Rivera, and Baby Letizia
#RelationshipGoals: The DongYan love story