
Mag-i-isang taon na ang Tadhana, hosted by Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Sa anniversary shoot ng show ay naikuwento ni Yan kung paano siya nakaka-relate sa ibang OFW.
Aniya, "Ako rin lumaki rin ako na 'yung nanay ko nagtatrabaho sa ibang bansa, so kailangan lang siguro na-i-remind 'yung mga taong naiiwan dito kung ano ang ginagawa noong mga nasa ibang bansa para sa kanila."
Si Marian ay pinalaki ng kanyang lola Francisca Rivera.
Panoorin ang buong report sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News