
Nagbigay ng payo si Marian Rivera tungkol sa pag-handle sa mga negative comments at haters.
Sa isang webisode ng isang whitening product na kayang ineendorso, ipinahayag ni Marian na hindi kailangang ma-please mo ang lahat ng tao.
Sambit ng Kapuso Primetime Queen, “Ako ha, ayon sa experience ko, hindi ko pinapansin talaga. Dedma. Pero syempre [may] mga pagkakataon na kailangan mo na umapela para masabi mo na, ‘Sandali lang. Enough na ‘to.’”
Dagdag din ni Marian na sa halip na magkalat ng negativity ay dapat magbigay na lamang ng suporta at humugot ng inspirasyon sa isa’t isa.
Aniya, “Kapag may isang tao na nakakaangat at nakaka-achieve ng mga pangarap niya, at nagiging masaya para sa buhay niya, bakit kailangan palaging may tao na humahatak sa’yo pababa, at nalulungkot, at nangdadamay ng iba?”
“Gawin mong inspirasyon ‘yun para i-angat din ‘yung sarili mo. Siya ‘yung tignan mo, parang, ‘Ay, nagawa niya. Ay, kaya ko rin,” patuloy niya.
Marian Rivera-Dantes shares how to get the motivation to back your life up and shrugging off the negativities. SHOP HERE: http://bit.ly/2eQv9r9
Posted by Snow Skin Whitening on Sunday, September 10, 2017