What's Hot

WATCH: Maricris Garcia, inabot ng 11 taon bago nag solo concert

By Marah Ruiz
Published September 28, 2018 10:46 AM PHT
Updated September 28, 2018 10:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News



Eleven years na sa showbiz si Kapuso singer Maricris Garcia pero ngayon pa lang daw siya magkakaroon ng isang solo concert. Bakit kaya?

Eleven years na sa showbiz si Kapuso singer Maricris Garcia pero ngayon pa lang daw siya magkakaroon ng isang solo concert.

Mas pinagtuunan daw niya ng pansin ang ilang personal na mga bagay sa kanyang buhay.

Pero ngayon, September 28, gaganapin ang kanyang first solo concert na Mar1cr1s sa Teatrino Greenhills.

"Ngayon, tama lahat eh. Umayon lahat so ito 'yung itinadhana ni Lord na tamang panahon para gawin 'to," pahayag niya.

Bukod dito, umaasa pa rin si Maricris na makakasama niya sa future concerts and performances ang kanyang mga kapwa La Diva members na sina Aicelle Santos at Jonalyn Viray.

"Nakaka-miss talaga. Lagi ko ngang sinasabi noon, 'pag nag-concert ako, gusto meron isang prod na kumpleto kaming tatlo. Sabi ko, siguro iyak ako nang iyak 'pag nangyari 'yun," aniya.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras: