
October noong 2016 nang ma-aresto ang aktor na si Mark Anthony Fernandez matapos mahulihan ng marijuana at ipa pang drug paraphernalia sa Pampanga.
Mahigit isang taon din nakulong si Mark sa Pampanga Provincial Jail bago na-dismiss ang kanyang kaso noong nakaraang December.
Tatlong araw bago ang Pasko noong nakaraang taon, nakalabas na ng kulungan si Mark.
Nagpaunlak siya ng isang panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.
Dito, binanggit niyang malusog at masaya siya sa ngayon. Nilinaw din niya na hindi siya isang drug addict.
"Gusto ko pong mawala 'yung stigma na si Mark Anthony Fernandez is isang nag-adik o naging drug dependent noong araw. Wala po akong problema sa drugs, wala po akong addiction problem or drug dependency. Hindi po ako nagsha-shabu. Hindi po ako nagco-cocaine, ecstacy. Hindi ko po problema 'yun. In fact, galit din po ako sa mga ganun. Ako po, ang kaso ko po is only marijuana," pahayag niya.
Para kay Mark, lehitimo ang rason kung bakit siya gumagamit ng marijuana noon.
"Ang marijuana ginagamit ko po in 2001 hindi po para mag-adik. Ginagamit ko po 'yun para sa bulimia ko po," paliwanag niya.
"Hindi po ako gumagamit noon to get kicks or mag-adik. Ginagamit ko po 'yun for medical purposes po," dagdag pa ni Mark.
Ibinahagi di niya kung paano nagsimula ang kanyang eating disorder.
"Noong 1980s, noong nasa grade three pa lang yata ako, may nagustuhan akong babae. Akala ko po, iniisip niya overweight ako. Doon po ako nag-umpisang sumuka. Noong nine years old ako, hindi ko pa alam 'yung tamang proseso ng pag-fat burn and stuff like that. Ang ginagawa ko, kakain ako tapos biglang isusuka ko na lang dahil nalulungkot po ako. Nadala ko po 'yun hanggang at the age of 20. Twenty on years old na cure na po ako noon," kuwento niya.
Bumalik daw siya sa paggamit nito nang may dumating na isa na namang dagok sa kanyang buhay.
"Hanggang sa nagkasakit naman po 'yung tatay ko, noong sumakabilang buhay 'yung tatay ko, doon po ako nag marijuana ulit. 'Yun 'yung reason ko noon kung bakit ako na rehab before," aniya.
Pero ayon kay Mark, hindi niya maipapayo na basta na lang mag-self-medicate gamit ang marijuana.
"Better consult the doctors also. Siyempre, ilegal pa rin po 'yun. Consult your doctor on how you'll deal with it," payo niya.
Panoorin ang buong interview ni ng Kapuso Mo, Jessica Soho kay Mark.