
Inamin na ng singer-actor na si Mark Bautista na isa siyang bisexual at masaya siya sa desisyon niyang isulat sa kanyang librong "Beyond The Mark" ang kanyang kuwento.
Aniya, "Actually, [I'm] in a happy state, masaya naman ako. Busy ako promoting my book. Ine-enjoy ko lang 'yung moment after releasing the book. Na parang, you know, ang daming na[kaka]-connect sa akin, nakaka-relate sila sa story [ko.]."
Dagdag pa niya, "Especially those parts na medyo about relationships and all that. Tuloy-tuloy [ko] lang [sinulat,] eh. Bumuhos lang talaga ang emosyon ko that time when I wrote it."
Ngunit marami rin daw ang lumayo sa aktor dahil sa kanyang pag-amin. Kuwento niya, "Na-prepare ko rin ang sarili ko sa mga ganung bagay kasi 'yun ang isa sa mga fears mo na kapag nilabas mo ito, marami talagang magdi-distance sayo, maraming hindi pabor sayo. So, hinanda ko 'yung sarili ko doon."
WATCH: Mark Bautista, umaming natakot layuan ng kaibigang male celebrity
Pero mas masaya naman ang aktor ngayong nagsabi na siya ng totoo. Paliwanag niya, "Nakakatulog ako nang maayos, alam kong wala akong ginawang masama and malinis ang intensiyon ko."
Panoorin ang buong report sa 24 Oras: