Itinanggi ni Mark Herras na buntis ang kanyang nobyang si Wyn Marquez.
Bigay-diin ng aktor sa panayam ng 24 Oras, “Sabi ko nga sa inyo, marami pang gusto[ng gawin] si Wyn.”
Wala rin daw katotohanang engaged na silang dalawa.
READ: Mark Herras, nilinaw na hindi pa sila engaged ni Wyn Marquez
“I’m sorry if I posted something like that. I know mag-a-assume talaga ‘yung mga tao,” paghingi ng paumanhin ni Mark.
Sa parehong ulat, binanggit ng aktor na nagpapasalamat siya para sa kanyang bagong Kapuso project na D’Originals. Makakasama niya rito ang kanyang kapwa StarStruck alumni na sina LJ Reyes, Katrina Halili, Elyson de Dios, at mga batikang artista tulad nina Jaclyn Jose and Jestoni Alarcon.
“After nung Sapiling ni Nanay na maganda naman ‘yung pinakita naming lahat, eto may panibago po ulit na show na kasama po ulit ako. Nakakatuwa dahil tuloy-tuloy ‘yung trabaho at blessings,” sambit ni Mark.
MORE ON MARK HERRAS:
READ: Mark Herras, gusto na mag-propose kay Winwyn Marquez?
LOOK: Mark Herras and Wyn Marquez are lovers in Japan
IN PHOTOS: Mark Herras and Wyn Marquez on their first out-of-the-country trip