GMA Logo Marlon Ejeda went emotional as his The Clash journey ended
What's on TV

WATCH: Marlon 'Mr. Hips' Ejeda, emosyonal na nagpaalam sa 'The Clash'

By Jansen Ramos
Published November 11, 2019 2:52 PM PHT
Updated December 23, 2019 4:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Marlon Ejeda went emotional as his The Clash journey ended


Nabigong makapasok si Marlon 'Mr. Hips' Ejeda sa 'The Clash' Top 12 matapos matalo sa tapatan nila ni Lorraine Galvez.

Nagpaalam na ang binansagang 'Mr. Hips' ng The Clash na si Marlon Ejeda matapos matalo sa tapatan nila ng kanyang kaibigan na si Lorraine Galvez sa Matira ang Matibay round ng singing competition.

The Clash 2019: Marlon Ejeda showcases versatility with his performance of "Here I Am" | Top 16

Alinsunod sa mechanics ng kompetisyon, kinailangang maglaban nina Marlon at Lorraine dahil sila ang pares na natalo sa Pares Kontra Pares round.

The Clash 2019: "Never Too Much" by Lorraine Galvez and Marlon Ejeda | Top 16

Sina Jeremiah Tiangco at Nef Medina ang nagwagi sa naturang round.

Sa panayam, hindi napigilang maging emosyonal ni Marlon dahil naudlot ang kanyang pagtungtong sa Top 12.

Gayunpaman, hindi naman daw nasayang ang kanyang pagluwas sa Maynila mula Misamis Oriental dahil marami siyang natutunan at nagkaroon siya ng maraming kaibigan.

Sambit ng 18-year-old The Clash hopeful, "Sobrang saya po kasi ang dami kong natutunan at ang dami kong naging kaibigan. 'Di rin po nasayang 'yung pagpunta ko rito, 'yung pagsali ko sa The Clash."

Nagpasalamat din si Marlon sa lahat ng kanyang mga tagahanga at mga sumuporta sa kanyang The Clash journey.

Pahayag niya, "Gusto ko lang po magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa 'kin d'yan po sa Mindanao, sa pamilya ko po, sa mayor po namin na tumulong po sa 'min na nagsagot po ng plane ticket ko po pagpunta rito."

Panoorin ang exit interview ni Marlon dito: