What's on TV

WATCH: 'Mars' Camille Prats at Suzi Abrera, nagpasiklaban sa mga 'Marsie' ng 'Sunday PinaSaya'

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 6, 2017 5:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Bumisita sa Sunday PinaSaya ang hosts ng longest running female talk show ng GMA News TV na sina Mars Camille Prats at Suzi Abrera kung saan nakilala nila sina Marsie Carms at Chuchi.

Finally, Mars meets Marsie!

Bumisita sa Sunday PinaSaya ang hosts ng longest running female talk show ng GMA News TV na sina Mars Camille Prats at Suzi Abrera kung saan nakilala nila sina Marsie Carms at Chuchi.

Nabighani ang mga Mars sa show ng mga Marsie at sinabing dumating na nga ang tamang panahon para makabisita sila rito. Ayon kay Mars Camille, “Ang tagal na naming pangarap na mabisita kayo. Idol na idol namin kayo.”

Mga avid viewers raw ng Marsie ang mga Mars kaya parang nananalamin na raw ang mga Mars sa mga Marsie at pati outfits ay nagkakapareho na rin. Ayon kay Marsie Chuchi, “Alam mo, ang wardrobe nila [ay] sinusubaybayan din tayo.”

 

Hashtag twinning!!! #SPSOnFire

A post shared by Sunday Pinasaya (@gmasundaypinasaya) on


Kung sa Mars ay may Mars Mashadow, ang segment na ito ay Marsie Neklaboo kung saan gumanap sina Camille at Suzi bilang mga aktres na naging makatotohanan na raw ang pagtatarayan dahil sa tindi ng kanilang mga ginagampanan roles sa isang TV series.

Napabilang rin ang mga Mars sa Marsie Saying Game na counterpart ng Mars Sharing Group.

Mukhang nag-enjoy ang mga Mars sa pagbisita nila sa Marsie at may pabaon pa ang show sa kanila. Ano kaya ang kanilang souvenir? Panoorin ang kanilang guesting sa Sunday noontime show kahapon, March 5.

MORE ON 'SUNDAY PINASAYA':

WATCH: MMFF Best Supporting Actor awardee Christian Bables steals spotlight on his first ‘Sunday PinaSaya’ guesting 

WATCH: ‘Trops’ stars, nag-‘Wikarambulan’ sa ‘Sunday PinaSaya’ 

WATCH: Wally Bayola, inalipusta ang acting ni Janice de Belen sa ‘Destined To Be Yours?’