
Inilabas na ang tinaguriang "red band" o ang mas mature na version ng trailer ng upcoming LGBT-themed comedy film na Born Beautiful.
Simula pa lang nito, may pasabog na ang bida ng pelikula na si Kapuso actor Martin del Rosario.
Makikita kasing may kissing scenes siya hindi lang sa isa, kundi sa dalawa niyang leading men na sina Kiko Matos at Akihiro Blanco.
Gaganap si Martin sa pelikula bilang ang transgender woman na si Barbs, habang sina Kiko at Akihiro naman ang kanyang mga manliligaw.
Ang Born Beautiful ang sequel ng hit 2016 film na Die Beautiful na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros.
Panoorin ang buong red band trailer ng Born Beautiful.
LOOK: Official poster of 'Born Beautiful' revealed
Mapapanood ang Born Beautiful sa mga sinehan nationwide simula January 23, 2019.