
Mula sa libu-libong nag-audition, hanggang sa mapili ang 64 finalists, 12 na lang ang natitira para tanghaling Season 2 The Clash champion.
Sa media conference, isa-isang nagpakitang gilas ang Clashers na binubuo nina Al Fritz, Aljon Gutierrez, Antonette Tismo, Clark Serafin, Janina Gonzales, Jeniffer Maravilla, Jeremiah Tiangco, Lorraine Galvez, Nef Medina, Sassa Dagdag, Thea Astley, at Tombi Romulo.
Bahagi ng The Clash masters na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, asahan raw na mas magiging matindi at mahigpit ang laban sa pagitan ng Top 12 Clashers.
Patuloy na subaybayan ang original Pinoy singing competition na The Clash tuwing Sabado at Linggo upang malaman kung sino ang tatanghaling kampeon sa 12.
Panoorin ang buong chika ni Aubrey Carampel:
GMA Network's 'The Clash' names Top 12 Finalists
Jeremiah Tiangco, itinuturing na biggest threat sa 'The Clash'