What's Hot

WATCH: Matt Evans, aminadong nagdalawang-isip siya sa paglipat sa GMA

By Marah Ruiz
Published November 23, 2017 3:48 PM PHT
Updated November 23, 2017 4:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Nagkaroon ng pag-aalinlangan si Matt Evans bago niya iwan ang kanyang dating network.

Aminado ang bagong Kapuso na si Matt Evans na nagkaroon siya ng pag-aalinlangan bago pa man lumisan sa kanyang dating network at lumipat sa GMA. 

"Magwo-work po ba 'ko sa [Kapuso] network? Ano po ba 'yung pwede ko pang patunayan sa management para mas makitaan pa po nila ko ng potensyal?" kuwento niya.  

Gayunpaman, pinagkatiwalaan pa rin siya ng network at agad na binigyan ng project. Ang unang trabaho niya para sa GMA ay ang isang episode ng programang Tadhana kung saan nakasama niya si Lauren Young. 

"Bagong lipat ko lang tapos biglang ganoon ka-challenging 'yung character. Hindi kami nagta-Tagalog. Hebrew po 'yung salita. The day itself, binigay sa 'min 'yung script na parang ang init pa. Ngayon ko lang ginawa po 'yung ganung [role], baldado tapos iba 'yung lengwahe," paggunita niya. 

Ibinahagi rin ni Matt na pinaka na-enjoy niya ang kanyang guesting sa Pepito Manaloto, lalo na at nakilala niya rito ang beteranong komedyanteng si Michael V. 

"Starstruck ako nun kay Kuya Bitoy. Nakatingin lang po ako [sa kanya] kasi parang bata pa lang po ako napapanood ko na po [siya]," aniya. 

"Sabi ko nga sa sarli ko, ang hirap pa lang mag-comedy. Parang 'yung tingin ko sa sarili ko, pinipilit kong magpatawa, eh sila parang konting nuance lang nakakatawa na," dagdag pa niya. 

Bahagi si Matt ng upcoming GMA Telebabad series kasama sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid pati na ang asong si Serena. 

"Sobrang excited lang po talaga doon sa role na binigay po nila ngayon kasi challenging po talaga. Saka marami pong ikot na mangyayari doon sa story na nakadikit po sa character ko. Sobrang looking forward to it," paliwanag niya. 

Panoorin ang interview sa kanya ni Rhea Santos para sa Tunay Na Buhay