
Ngayong kumikita na ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi, lagi nilang nililibre ang kanilang mga magulang na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.
Pero sinisigurado rin nilang mayroon silang ipon
"Our generation di ba, we always say, 'Ah tara kain tayo. After that, kain tayo kain tayo.' As much as possible, eat at home na lang guys," payo ni Cassy tungkol sa pagtititipid.
Dagdag pa niya, "Bring baon. That's what I started doing. Instead of buying food sa school, I always bring my own food na."
Para naman kay Mavy, hindi kailangan laging sumabay sa kung ano ang trending sa social media.
"You see na, trending pala tong shirt or item. You don't need to purchase it or you don't buy it if you don't really need it,” sabi ni Mavy.
Ibinahagi rin ng ilang Kapuso stars kung paano nila ginagastos ang kanilang kinikita.
Alamin ang buong detalye sa report na ito ng 24 Oras: