
Lingid sa kaalaman ng kanyang mga sosyal na kaibigan at kaklase sa Senior High, naging malapit na kaibigan ni Cat (Angel Guardian) ang isang "jologs" at hypebeast na si Joe (Kelvin Miranda).
Ang problema -- nakita ni Cat kung paano nilait ng kanyang mean friends ang tropa ni Joe nang magsayaw ang mga ito ng kwelang budots sa gitna ng kalsada isang araw.
Binidyo pa nga nila ang katuwaan ng barkada ni Joe para pagtawanan ng online bashers.
Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, magsasama ang grupo ni Cat at grupo ni Joe sa iisang lugar.
Ano ang gagawin ni Cat kapag nilapitan siya ni Joe?
Ano ang sasabihin niya sa harap ng kanyang squad kapag binanggit ni Joe ang tungkol sa kanilang planong date?
Matuloy kaya ito?
Abangan ang kanilang kwento sa One Hugot Away, umaga, hapon at gabi ng June 3 sa GMA.
Angel Guardian and Kelvin Miranda pressured over the second installment of 'One Hugot Away'