
Bubusugin na naman kayo sa katatawanan at aral ng panalong sitcom ng ‘Pepito Manaloto’ sa kanilang LGBT inspired episode this Saturday night.
LOOK: Carlos Agassi spotted taping for 'Pepito Manaloto'
Bigatin din ang kanilang mga guests this weekend lalo na at makakasama nila sina Keempee de Leon, Ina Feleo, Miggs Cuaderno at hunky actor na si Carlos Agassi.
Ano kaya ang mangyayari sa muling pagbisita ng pinsan ni Pepito na si Raymond at kaniyang anak na si Bobot sa mansyon?
Matuloy na kaya ang kagustuhan ni Bobot magladlad o mas pipiliin pa rin ng bagets na itago ang tunay niyang nararamdaman?
At tama kaya ang hinala ng bida nating milyonaryo patungkol sa pagkatao ng bagong boyfriend ng kaniyang empleyado na si Tere?
Aamin kaya na bading ang guwapong jowa ni Tere?
Pak na pak ang mangyayari sa award-winning Kapuso program na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento this January 27, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.