What's on TV

WATCH: May ultimate pasabog sa season three finale ng 'Lip Sync Battle Philippines'

By Marah Ruiz
Published June 29, 2018 3:41 PM PHT
Updated June 29, 2018 3:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14k civilians pass PNP entrance exams, 2,9k cops qualify for promotion
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin ang preshow interview nina Aiai Delas Alas at John Estrada para sa nalalapit nilang pagtatapat.

Bigating mga artista ang hatid ng season three finale ng Lip Sync Battle Philippines!

Nagbabalik ang former champion na si Kapuso comedienne Aiai Delas Alas. Makakaharap niya ang kanyang kaibigan na si veteran actor John Estrada. 

Hindi daw sigurado si John sa kanyang chances na manalo. Ang tinaguriang Comedy Concert Queen ang makalaban niya. 

"Well, si Aiai matagal ko nang kaibigan 'yan. But parang 'pag tinanong mo, umaasa pa ba 'kong manalo? Talagang Diyos na ang bahala dahil si Aiai talagang [magaling]. Kaya nga siya ang binansagang Comedy Concert Queen," pahayag niya. 

Pangako naman ni Aiai na magiging mapagbigay sa kanyang longtime friend, lalo na at nakatikim na siya noon ng panalo sa show. 

"Nagbibigay naman ako sa aking friend. Sabi ko, gusto ko siya ang manalo," aniya. 

Panoorin ang kanilang buong preshow interview dito: