
Sa programang Bawal Ang Pasaway, nakapanayam ni Winnie Monsod ang mayor ng Pasig na si Vico Sotto.
Isa sa kanilang pinag-usapan ay ang relationship status ng batang mayor. Ito ay dahil kilalang no girlfriend since birth si Vico.
Kuwento ni Vico, wala siyang panahon sa pakikipagrelasyon.
"Wala po. Masyadong naging busy po lalo na po ngayon busy sa trabaho."
Hindi umano ito priority ni Vico dahil sa naka-focus siya sa kanyang trabaho bilang mayor.
"Hindi ko lang naplano. Lalo na sa ngayon, last thing on my mind ika nga talagang focus muna sa trabaho."
Gayun pa man, ibinigay ni Vico ang qualities na kanyang hinahanap sa kanyang ideal girl.
"Ang gusto ko ho sana, hindi naman po tayo magiging choosy 'no, gusto ko sana 'yung matalino, may itsura naman, wala namang special talaga."
Kung papipiliin man si Vico kung maganda o matalino, mas gusto umano niya ang kapareho niya mag-isip.
"More than matalino, gusto ka sana same wavelength kami. Nagkakaintindihan lalo na sa mga topic tungkol sa governance."