
Ipinakilala na ang hosts at council ng original reality-based artista search na StarStruck.
Ngayong 2019, makakasama sa StarStruck ang ilan sa mga kilalang personalidad sa showbiz para hanapin ang bagong Ultimate Male and Female Survivors. Sila ay sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Cherie Gil, Heart Evangelista, at Jose Manalo.
Subaybayan ang exciting na StarStruck journey na haharapin ng hopefuls ngayong 2019, soon on GMA Network!