
Wala nang kawala ang mag-ina na sina Mayumi (Megan Young) at Luisa (Glydel Mercado) sa kamay ng hitman ni Isabelle (Katrina Halili).
Nasundan ni Jigs ang kanyang target papuntang Dumaguete at pati na sa barko papuntang Cebu. Tinutukan na niya ng baril ang mag-ina pero naudlot ang kanyang misyon.
Tuluyan na bang matatakasan nina Mayumi at Luisa ang gustong pumatay sa kanila? Subaybayan ang mga matitinding eksena sa hit GMA Afternoon Prime soap na The Stepdaughters.