
Personal nang nakilala ni Mayumi (Megan Young) ang kapatid ng kanyang boyfriend na si Froilan (Edgar Allan Guzman).
Hindi man nakilala ni Mayumi na si Froilan bilang ang nagtatangka dati sa buhay ng kanyang ina na si Luisa (Glydel Mercado), naalala naman lahat ng kapatid ni Francis (Mikael Daez) ang mga paghaharap nila ng dalaga.
Nawawala ngayon si Luisa at nag-uunahan ang dalawa na mahanap ang nabaliw na ina ni Mayumi. Sino kaya sa kanila ang unang makakahanap kay Luisa?