
Isang paraan para makapag-ipon ay ang paggamit ng alkansya o taguan ng pera. Pero paano kung sa alkansya ay masira ang pera? Alamin sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang istorya ng mga nag-ipon ngunit ang tinatagong pera, una nang ginamit ng anay.
Nasira ang pera na pinaghirapang ipunin ni Jennelyn matapos itago sa alkansya na gawa sa kawayan. PInagpiyestahan ito ng mga anay at puno na ng bukbok nang buksan niya ang alkansya matapos ang ilang buwan.
Ang binata namang si Lem, nakaipon din ng perang nagkakahalaga ng ?20,000 mula sa isang negosyo, ngunit inanay ang naipong salapi na itinago niya sa aparador. Aniya, “Sana ipinangkain ko na lang, anay pa ang kumain. Pero may natutunan naman ako.”
May halaga pa ba ang mga nasira nilang salapi?
Panoorin sa KMJS ang kanilang istorya: