
Ang magkapatid na sina Jak Roberto at Sanya Lopez ay mayroong limang aso sa kanilang bahay. Palitan sila sa pag-aalaga ng kanilang mga fur babies.
Alam n'yo bang minsan na silang lumabas sa TV? Kuwento ni Pambansang Abs sa Unang Hirit, “Si Jamie, 'yung dog ko, naging dog ko siya sa Meant To Be tapos 'yung isa naman, 'yung toy poodle, naging dog din ni Sanya sa Haplos.”
Paano nga ba nila inaalagaan ang kanilang mga tinataguriang babies? Nagbigay ng tips ang hunky actor, “'Di ba, nasa bahay lang lagi 'yung aso? Naisip namin, kawawa naman. Kailangan siguro makita rin nila 'yung mundo so bumili kami ng stroller tapos mga lace [dog collars] para kung ilalakad namin sila.”
Nakapag-adjust naman ang kanilang mga aso sa labas ng bahay hanggang sumalang na ang mga ito sa TV, “Noong una, nakakatawa [kasi] pagbaba mo sa kanila [sa stroller], nilalakad [namin pero] talagang nakayuko lang sila na parang sobrang bago sa kanila.”
Sino pa kaya sa ating mga celebrities ang dog lovers? Panoorin sa report na ito.
Video courtesy of GMA News