What's on TV

WATCH: Mga contestants sa singing competition na 'The Clash,' ipapakilala na

By Gia Allana Soriano
Published June 9, 2018 11:00 AM PHT
Updated June 20, 2018 1:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi naging basehan ang lahi, pinanggalingan o antas ng pamumuhay sa audition ng The Clash. Ilang hopefuls nag-share rin ng kani-kanilang makulay na buhay. Narito sila...

Malapit na ipakilala ang mga lalahok sa singing contest na The Clash. Ito ay ang mga nag-audition sa key cities ng Pilipinas tulad ng Baguio, Cebu, Davao, at Metro Manila.

Sa isang interview with 24 Oras, ikinuwento ng mga hopefuls ang kani-kanilang istroya.

Ani ng isang female auditionee, "Papa ko talaga 'yung dahilan kung bakit ako nandito. Sinabi niya sa akin na... 'Inday, bago ako mamatay, gusto ko makita kita sa TV kumanta.'"

Sabi naman ng isa ay para ito sa kinabukasan ng pamilya niya. Sabi niya, "Nag-audition po ako para maiahon ko talaga sa hirap mga kapatid ko."

Hindi rin basehan ang edad, lahi, at layo ng tirahan. Kuwento ng isa, "Nagtitinda pa kami ng barbecue sa Loon, Bohol... bago kami pumunta sa Tubigon para sumakay ng barko patungo dito."

Meron din taga-Australia na nag-audition. Aniya, "I'm from Australia, I'm just trying to pursue my dream."

Proud naman ang host na si Regine Velasquez sa mga nakapasok. Saad niya, "Ang dami nilang nakapasok, marami naman tayong nakuha. Tapos finally ito na. We have 62 contenders that are really good singers."

For more updates visit: www.facebook.com/GMATheClash

Panoorin ang buong report sa 24 Oras: