Celebrity Life

WATCH: Mga patok na lugar at tips para sa solo backpacking trip

By Cara Emmeline Garcia
Published March 28, 2019 2:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Sa mga may gusto ng 'me time' at the same time ay mag-travel, baka ito na ang sagot na hinahanap mo.

Sa mga may gusto ng 'me time' at the same time ay mag-travel, baka ito na ang sagot na hinahanap mo.

Ayon sa solo traveller Ron Duyagit, isa sa pinakatampok na lugar na dapat puntahan ang Ilocos.

B.Gang in Vigan 🎬😜 #bubblegang #callecrisologo #summerspecial #ilocossur

Isang post na ibinahagi ni Arny Ross (@iamarnyross) noong

Dito, makikita ang sikat na Calle Crisologo na naging parte ng 7 Wonders of the World at iba pang lugar na tunay na pang-world class.

“Nandun yung Calle Crisologo, nandun yung Bantay Church Bell Tower, at Baluarte.”

“Around 7 to 8 hours lang naman ang biyahe.”

Hindi rin naman daw masakit sa bulsa ang pagbisita sa Ilocos.

Ani ni Ron, “Sa akin kasi 5 days at 4 nights. So kung 'di ako nagkakamali mga around 5 to 6 thousand [pesos] yung nagastos ko lahat.

“Kasama na dun 'yung transportation, 'yung tour, at 'yung accommodation mga around 800 to a thousand [pesos] lang.”

Para sa mga mahilig sa beach, magandang bisitahin ang Baler sa Aurora.

“Ang number one na kilala sa Baler is yung surfing.

“And then besides that, meron din silang Baler museum.”

At kung on a budget ka naman sa solo trip mo, advice ni Ron na tumira sa homestay para hindi masakit sa bulsa ang iyong vacation.

Alamin ang iba pang tips ni Ron para makapaghanda ka na sa iyong first solo travel sa video na ito: