
Simula sa Linggo, Setyembre 8, mapapanood na sa GMA ang mga pelikula ng dating action star at ngayo'y senador na si Ramon "Bong" Revilla.
Mapapanood ang kaniyang mga pelikula tulad ng "And Panday", "Ang Panday 2," kung saan nakatambal niya si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, "Resiklo," kasama sina Dingdong Dantes at Jennylyn Merado, "Exodus," kasama si Iya Villana, "Kapag Tumibok ang Puso," kasama si Aiai Delas Alas, at "Bertud ng Putik," kasama si Rochelle Pangilinan.
Abangan ang mga pelikula ni Bong Revilla sa GMA Blockbusters, tuwing Linggo ng hapon.
Panoorin ang buong report ni Cata Tibayan sa 24 Oras: