
Inalala ni multi-awarded comedian at content creator na si Michael V. ang kanyang namayapang ama na si Cesar Felix Bunagan.
Sa lamay ng kanyang ama, inamin ni Michael V. na ang kanyang ama ang unang nagturo sa kanya kung paano gumuhit.
"Siya 'yung nag-inspire sa akin na mag-drawing," Michael V. said.
"Noong bata kami, mahirap lang kami, walang pambili ng laruan.
"Siya 'yung nagdo-drawing sa mga cardboard ng mga characters t'as ginugupit namin, lalagyan namin ng standee, 'yun na 'yung mga laruan ko."
Nakiramay din sina GMA Network Chairman at CEO Atty. Felipe Gozon at GMA Executive Vice President at Chief Finance Officer Felipe S. Yalong kay Michael V.
Panoorin ang buong report ng 24 Oras: