
Balik vlogging na si Kapuso comedian Michael V, matapos ang mag-travel kasama ang kanyang pamilya at dumalo ng ilang international movie premieres.
Inilabas na niya ang bagong episode ng kanyang vlog na #BitoyStory sa kanyang official YouTube channel.
Isang sneaker unboxing at review ang ika-9 episode na ito at naka-focus sa dalawang in demand at celebrity-inspired na basketball shoes.
Kinumpara ni Bitoy ang Soldier 12 Agimat ni Lebron James at ang PG 2 Playstation ni Paul George.
Alin kaya sa dalawang sneakers ang mas natipuhan niya? Alamin sa kanyang latest vlog.