GMA Logo michael v on racism
What's Hot

WATCH: Michael V., pinag-usapan ang isyu ng racism sa kanyang latest vlog

By Aedrianne Acar
Published June 23, 2020 1:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

michael v on racism


Michael V. on racism: “'Yung racism ka-ignorantehan at kawalan ng pakialam sa kapwa.”

Ginamit ng award-winning comedian at content creator na si Michael V. ang kanyang YouTube channel upang pag-usapan ang isyu ng racism.

Sa latest vlog ni Bitoy tungkol sa Star Wars theme park experience nila sa Galaxy's Edge, marami nag-akalang magiging normal travel vlog lang ito ng Bubble Gang star.

Pero bago magtapos ang naturang video, tinalakay ni Michael V. ang hot topic ngayon na racism na pumutok sa pagkamatay ng African-American na si George Floyd.

Aniya, “Gusto ko pag-usapan 'yung isyu ng racism!

“Doon sa mga nagtataka kung bakit buong mundo nagpo-protesta hindi lang mga black people ang naapektuhan nito.”

Kuwento pa ng Kapuso star, kahit mismo silang pamilya nakaranas ng racism.

“Kahit kami ng pamilya ko, na-experience namin yan. 'Yung racism ka-ignorantehan at kawalan ng pakialam sa kapwa.”

Dagdag pa ni Michael V na malaking tulong ang pagta-travel para mas maiintindihan natin at mabuo ang respeto sa kapwa natin kahit magkakaiba ng kultura o paniniwala.

Paliwanag niya, “Isang maganda sa pagta-travel, naiintindihan mo 'yung kultura ng ibang tao para ma-appreciate mo at mahalin ang pagkatao na iba sa'yo.”

“Pero 'di kailangan mag-travel para matuto ng respeto. Technically, 'yung mga kaibigan, kapatid, mga magulang, mga anak ,asawa ibang tao sila...

“Kasi hindi sila ikaw, magkaiba kayo ng trip, magkaiba kayo ng opinyon… Pero dahil sa pagmamahal at sa respeto nabuo sa inyo nagkakaintindihan kayo.”

Sundan ang buong Star Wars Galaxy's Edge theme park experience ni Michael V. sa kanyang "Bitoy Story 25."

LOOK: Michael V ecstatic about GMA's much-awaited 'Voltes V Legacy' live adaptation