
Panibagong good vibes at katatawanan na naman ang hatid ng Kapuso comedian na si Michael V. na kilala rin bilang si “Bitoy,” sa latest video na ibinahagi niya sa Instagram.
Hindi nagpahuli si Bitoy sa sumisikat na meme ngayon sa video sharing app na TikTok.
Mapapanood sa video na kinakanta ng komedyante ang isang sikat na Filipino song na paborito ilang mga bata.
Kasabay nito ang nauusong meme sa TikTok na nakakabit sa mismong video ni Bitoy.
Nang matapos na niya ang kanta, mas naging nakakatawa ang video nang bigla na lamang siyang mauntog sa kanyang pagkakatayo.
Wala pang isang oras matapos i-upload ni Bitoy ang video ay mayroon na agad itong mahigit 2,800 likes sa Instagram.
Gaya ng inaasahan, nakatanggap siya ng ilang positive comments mula sa kanyang celebrity friends at co-stars sa paboritong comedy show ng mga Kapuso na Bubble Gang.
Panoorin ang funny paandar ni Michael V. dito:
Matatandaang nito lamang pagpasok ng buwan ng Abril ay hindi rin nagpahuli ang komedyante sa kanyang entry para sa araw ng iba't ibang jokes at pranks o mas tanyag sa tawag na April Fool's Day.
Samantala, balikan ang ilan sa iconic characters ni Michael V. sa gallery na ito.