What's Hot

WATCH: Michael V, umamin na ginaya si Andrew E.

Published March 25, 2018 7:08 PM PHT
Updated March 25, 2018 7:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya transported to Cebu, brought to court
Sarah Discaya arrives in Cebu; up for detention in Lapu-Lapu City jail
MPTC waives toll fees on its expressways on Christmas Eve, New Year's Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Isang video ang ini-upload ng comedy genius sa kanyang YouTube channel, at dito may inamin siya tungkol kay Andrew E at sa kanta nitong 'Humanap Ka Ng Pangit.'

"Yeah I said it!"

Ito ang pahayag ng comedy genius sa kanyang vlog kamakailan kung saan inamin niya na ginaya niya ang sikat na rapper noong 90s na si Andrew E. .

Sa nasabing video, kung saan mapapanood ang Ex Battalion na nagre-react sa parody version ni Bitoy sa kanilang viral song na 'Hayaan Mo Sila,' ipinaliwanag niya ang kanyang rason kung bakit niya ginawa ang 'Gayahin Mo Sila.'

"Hindi ko sila dindown down down dun sa kanta. It's more like an advice, parang payo ng kuya sa nakababatang kapatid, tipong na-experience niyo ng magkaproblema, sana next time iwasan niyo na, at 'yung kaso nila di panggagaya. Miscommunication 'yung pangyayare, between Ex-B and Diamond Style." 

Pagpapatuloy niya, "Iba naman yung akin, yung 'Maganda ang Piliin'... 'Yun ang panggagaya talaga. Kasi ako aminado ako na sinakyan ko talaga  'yung popularity ng 'Humanap ka ng Pangit' ni Andrew E. Hindi ko dinedeny yun, Kung walang Andrew E walang Michael V...Yeah I said it!"

Sa huli, nag-iwan siya ng payo sa mga taong mahilig manggaya.

"Okay lang na maimpluwensyahan ka ng gawa ng ibang tao, pero 'wag mo nang i-deny. Huwag ka nang magbida-bidahan na wala kang pinagkuhanan ng idea. Okay lang din gumawa ng ibang version o revival.  Pero sana iba talaga o sana mas maganda kaysa sa orig. Pero syempre kung may talent ka naman para gumawa ng original, huwag ka nang manggaya."

Video from Michael V. #BitoyStory's YouTube channel