
Inamin ni Michelle Dee sa Sarap Diva na siya ay nakakaramdam ng pressure na sundan ang yapak ng kanyang ina na si Melanie Marquez sa pagiging modelo.
Ani ni Michelle nakakadagdag ng pressure na kilala siya ng mga tao na anak siya ni Melanie, "There's a lot of pressure, kasi siyempre top model ba naman. Tsaka alam ng mga tao."
IN PHOTOS: Meet Michelle Dee, the gorgeous daughter of Melanie Marquez
Inilahad naman ni Michelle na inuna niya ang kanyang pag-aaral dahil ito ang payo ng kanyang ina. Wala umano siyang panghihinayang na nararamdaman na i-prioritize niya ang makapagtapos dahil para rin ito sa kanyang mga kapatid. Kuwento ni Michelle, "I'm really grateful kasi growing up parang priority ko talaga was education. 'Yun 'yung ginawa talagang priority ng mom ko. Kasi early on ako 'yung tail niya when she was still based here. So early on I was exposed sa ganito, taping. Sabi ko mom I wanna try it. Sabi niya no, mag-aral ka muna. Then I have no regrets naman kasi I also chose psychology 'cause I have autistic brothers and I also want a deeper understanding on how to deal with them.
Para kay Michelle ay pangarap niya talagang mag-excel sa modelling hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa buong mundo.
"Modeling is something I really enjoy and it can come later but time is of the essence of course. I'm doing it now but my dream is to make it here and then to make it abroad."