What's Hot

WATCH: Migo Adecer, ipinarinig ang kantang isinulat niya sa 'Tunay na Buhay'

By Cara Emmeline Garcia
Published May 23, 2019 11:18 AM PHT
Updated May 23, 2019 11:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Patuloy pa rin daw ang pagko-compose ng kanta ni Migo Adecer sa kabila ng pagiging abala nito bilang aktor.

Gabi-gabing napapanood si Migo Adecer bilang Jordan Alvarez sa hit Kapuso Primetime series na Sahaya.

Migo Adecer
Migo Adecer

Pero bukod sa acting, alam niyo bang malapit din sa puso niya ang pag-awit at pag-compose ng kanta?

Ayon sa StarStruck Season 6 “Ultimate Male Survivor,” bata pa lang siya ay pinag-aralan na niyang tumugtog ng drums at gitara.

Dahil dito, nagsimula ang kaniyang passion sa pag-compose ng kanta.

Nang makapasok sa GMA, nabigyan siya ng mas maraming pagkakataon na ipakita sa kaniyang fans ang angking talento sa musika.

A post shared by Migo Adecer (@migo.adecer) on

Sabi ng Filipino-Australian singer-actor, “Nag-sign up ako sa GMA Records at nag-release kami ng single na 'Suntok sa Buwan' and we released 'I Long to Ask You.'

“And don't get me wrong, those were amazing songs, but I just feel like I wasn't able to put in exactly what I envisioned for.

“So, I've decided to somewhat to make music on my own, underground ulit.”

Pakinggan ang kantang isinulat ni Migo sa ulat ni Rhea Santos:

;

EXCLUSIVE: 'Sahaya' actor Migo Adecer thought of going back to Australia after 'Encantadia'

IN PHOTOS: Migo Adecer's fitness transformation