What's Hot

WATCH: Miguel Tanfelix and Bianca Umali reveal their favorite gifts from each other

By Marah Ruiz
Published February 12, 2019 4:54 PM PHT
Updated February 12, 2019 5:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 21, 2026
Magnitude 5.1 quake rocks Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Dahil malapit na ang araw ng mga puso, binalikan nina Kapuso stars Miguel Tanfelix at Bianca Umali ang paboritong mga regalong natanggap nila mula sa isa't isa. Silipin 'yan dito.

Dahil malapit na ang araw ng mga puso, binalikan nina Kapuso stars Miguel Tanfelix at Bianca Umali ang paboritong mga regalong natanggap nila mula sa isa't isa.

Miguel Tanfelix at Bianca Umali
Miguel Tanfelix at Bianca Umali

Para daw kay Bianca, pinaka memorable ang alagang aso na iniregalo sa kanya ni Miguel.

"Juno is my dog. Miguel gave him to me. He's my first ever dog. He's a Shih Tzu and a Pomerian--crossbreed siya. Juno is short for Juanito Gizmundo, pero we call him Juno for short," kuwento niya.

Para naman kay Miguel, isang singsing ang paborito niyang regalo na natanggap mula kay Bianca.

"Galing kami ng event. 'Yung event na 'yun parang naka suit kami. Umuwi na 'ko ng bahay, akala ko wala siyang plan. Nagbihis na 'ko. Nag-toothbrush na 'ko. Naka boxers na lang ako. Nakapambahay, in short," panimula ni Miguel.

Sopresa palang dinala ni Bianca, sa tulong ng kanilang mga handlers, ang regalo niya sa bahay nina Miguel.

"Naalala ko naka boxers pala ko. Oops! Binigay niya sa akin 'yung ring na naka tali sa kwintas. Lagi kong sinusuot under my shirt," pagpapatuloy niya.

Panoorin ang iba pa nilang kuwento sa pagbisita nina Miguel at Bianca sa Kapuso ArtisTambayan: