Muntik nang mauwi nina Miguel Tanfelix, Bianca Umali at Joross Gamboa ang kabuuang premyo ng People vs. The Stars na nagkakahalaga ng Php 200,000.
Pagpasok pa lamang nilang tatlo, punong-puno na sila ng confidence na matatalo nila ang People. Napatunayan naman nina Miguel, Bianca at Joross na may basehan ang kanilang confidence dahil sa sunod sunod na tama ang kanilang mga sagot.
Na-perfect naman nina Miguel at Bianca ang Brain Buster kahit na naka-mouthpiece pa ang kanilang leader na si Joross.
Bilang pakilig ng BiGuel, naghandog sila ng kiss para sa People.
Ang total prize na naiuwi nina Miguel, Bianca, at Joross ay nagkakahalaga ng Php 180,000 habang ang People ay nakapag-uwi lamang ng Php 20,000.
Ma-pressure kaya ang susunod na Stars na lalaban sa People? Abangan sa susunod na Linggo, March 19 sa People vs. The Stars.
MORE ON 'PEOPLE VS. THE STARS':
LOOK: Dennis Trillo, Janice de Belen, at Tom Rodriguez, mapapanood sa 'People vs. The Stars'