What's Hot

WATCH: Miguel Tanfelix, naka-relate sa kanyang karakter sa 'Sahaya'

By Cara Emmeline Garcia
Published June 3, 2019 11:15 AM PHT
Updated June 3, 2019 11:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Katulad ng kanyang karakter sa Sahaya, nais din ni Miguel Tanfelix gumawa ng pangalan at tumatak sa industriya ng showbiz.

Matapos ang transformation ng karakter ni Sahaya sa Kapuso primetime series, ang karakter naman ni Miguel Tanfelix na si Ahmad ang nagkaroon ng sariling transformation.

Miguel Tanfelix
Miguel Tanfelix

Mula sa isang simple at karaniwang lalaking Badjaw, ngayon ay larawan ng isang uamasenso at nagpupursiging binata si Miguel Tanfelix sa Sahaya.

Ang bagong look ni Ahmad, na umani ng papuri sa mga netizens, ay isang paghahanda para sa inaasam na muling pagkikita nila ng kaniyang minamahal na si Sahaya.

Pahayag ni Miguel, “Nag-transform na si Ahmad dahil pinalad siya dahil sa agar-agar na matagal na niyang ginagawa dati.

“Hindi niya alam na sobrang mahal pala dito sa Maynila kaya he saw an opportunity kaya grinab niya iyon.”

Netizens react to Miguel Tanfelix's transformation as Ahmad in 'Sahaya'

Ayon pa kay Miguel, nakikita niya ang sarili niya sa kaniyang karakter na gagawin ang lahat para maabot ang mga pangarap sa buhay.

Para sa kanya, ang gumawa ng pangalan at tumatak sa larangan ng show business ang kanyang ultimate dream na nabigyan ng pagkakataon noong sumali siya sa Kapuso artista search na StarStruck.

Kaya ang payo niya sa bagong hopefuls?

“Hintayin niyo 'yung time niyo at kung dumating 'yun, gawin niyo 'yung one hundred and one percent ninyo.

“Kapit lang talaga.”

Panoorin ang buong chika ni Cata Tibayan: