
Sa kanyang bagong vlog, nilinaw ni Mika Dela Cruz ang mga assumption sa kanya ng mga tao.
Ipinaliwanag niya rin na may pagka-boyish siya pero pina-realize ng kanyang nobyong si Nash Aguas na hindi niya kailangang mag-pretend.
"Umabot ako sa point na trinay kong magpaka-girly. Like, bumili ako lahat ng dress, pinalitan ko 'yung style ko," kuwento ni Mika.
"Pero like 'yung ugali talaga, 'yung panloob, boyish talaga ako ever since.
"Like sa panlabas, kung paano ako manamit, trinay kong ibahin, trinay kong mag-please ng ibang tao.
"Pero noong nakilala ko si Nash, kasi si Nash, noong bata kami, siya lang yung taong nakakakita nung pagka-boyish ko kasi siya lang yung talagang sobrang close sa akin."
Dagdag ni Mika, sobrang tahimik at mahinhin siya kapag may ibang tao pero pagdating sa kanyang malalapit na mga kaibigan, pinapakita niya kung sino talaga siya.
"Akala nila, mahinhin ako, maarte ako, 'tsaka tahimik ako," saad ni Mika.
"Pero like si Nash, sobrang close namin, siya lang 'yung nakakaalam nung side ko na 'yun na kapag komportable ako sa tao, uma-angas ako na feeling ko pogi ako ganyan."
Kuwento pa ni Mika, noong naging magkaibigan ulit sila, pina-realize sa kanya ni Nash na hindi niya kailangan magpanggap.
"Noong bumalik siya sa buhay ko, parang na-realize ko na hindi ko kailangan mag-pretend," ani Mika.
"Na kahit hindi ako lagi nakaayos, kahit sobrang baggy nung mga damit ko, hindi nagbabago 'yung tingin niya sa akin.
"Kailangan mo lang maghanap ng taong mamahalin ka, tatanggapin ka, magagandahan sa'yo nang kahit anong itsura mo.
"And then, tsaka mo matatanggap 'yung sarili mo na ganun.
"Si Nash ang nagpa-realize sa akin na ito 'yung nagpapa-iba sa akin sa ibang mga babae, sa ibang mga tao.
"Dahil ako 'to, ito si Mariko. Minsan, kailangan niyo lang mawalan ng pakielam sa iniisip at sa view ng ibang tao sa 'yo."
Panoorin ang vlog ni Mika: