
Dumayo ang mga bakasyonistars na sina Megan Young at Mikael Daez sa Atok, Benguet para ma-experience ang “view from above.”
Dito, binati sila ng napakalamig na klima at makapal na fog kaya essential para sa dalawa ang pag-inom ng mainit na kape habang ine-enjoy ang sights at activities sa tuktok ng Mt. Timbak.
Habang naroon, binisita rin nila ang Northern Blossoms Flower Farm kung saan nakakita sila ng iba't ibang bulaklak na galing pa sa ibang bansa.
Ani ni Mikael, “Ang feature nila dito is the rose cabbage.”
“They're all imported from Japan. I think there are 28 varieties, some local but mostly imported.”
Dagdag pa ni Megan ang rose cabbage daw ay maaring itanim kahit saan, pero mas ideal kung “10 degrees and below” ang temperatura dahil “mas titingkad pa ang kulay purple” sa nasabing bulaklak.
Panoorin ang buong adventure nina Megan at Mikael sa video na ito:
LOOK: Mikael Daez and Megan Young visit a hot spring in Iceland
WATCH: Mikael Daez and Megan Young fall in love with South Korea