
Bakit sa Nepal napili ni Mikael na magbakasyon ngayong Kapaskuhan?
Kakaibang Christmas at New Year ang plano ni Mikael Daez. Ngayong taon, sa Nepal kasi siya magse-celebrate ng holidays.
“We’re gonna hike up the mountains of the Himalayas,” bahagi ng aktor sa panayam ng 24 Oras.
“Wala lang, as in wala lang. Sobrang random lang talaga niya. It’s a very exotic place. People don’t go there. Hindi nga rin eh, parang naisip lang ng kuya ko Nepal, then sabi ko, ‘Parang cool ‘yun ah,’” dugtong niya.
Makakasama kaya ni Mikael ang kanyang favorite travel buddy na si Megan Young sa cultural experience na ito?
Aniya, “No. May trabaho siya, may [Alyas] Robin Hood siya. I asked her [pero] okay lang.”
Sa parehong ulat ay nagpaabot din si Mikael ng pasasalamat para sa mga sumusubaybay sa pagbabalik-drama niya sa Someone To Watch Over Me.
“Maraming salamat sa lahat ng nanonood, at salamat sa mga manonood ng finale,” wika niya.
Video courtesy of GMA News
MORE ON MIKAEL DAEZ:
WATCH: Bakasyon ni 'Bubble Gang' Mikael Daez sa Hawaii, bakit muntik maging "epic fail?"
WATCH: Mikael Daez and Megan Young explore Southport, UK
IN PHOTOS: Celebrities who love to travel