
Ikinasal si Mike Tan sa kanyang longtime non-showbiz girlfriend sa isang private wedding last January 22. Nagkuwento naman ang aktor kung bakit niya piniling maging pribado ang kanilang kasal.
Aniya, "'Yun naman 'yung pag-honor ko sa request niya. Kasi hindi rin naman siya celebrity, hindi rin naman siya artista. So, ako lang din 'yun, ino-honor ko ang request niya. And at the same time, 'yun din naman din ang gusto ko."
Isa nga raw ang kanyang Hindi Ko Kayang Iwan Ka co-star na si Yasmien Kurdi sa nag-congratulate agad sa kanya. Ani Yasmien, pagkakita raw niya agad sa aktor ay napasigaw siya ng 'Mike, mabuhay ang bagong kasal!'"
Plano na rin kaya nila magka-baby ng kanyang asawa? Ika niya, "As soon as possible. We're old, we're old. So, kailangan na talaga."
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News