
Christmas is the best time of the year to spend time with your family. Excited na ang ating Kapuso stars na makasama ang kanilang pamilya sa biyahe nila ngayong Pasko.
Magiging white Christmas ang pasko ng pamilya ni Mikee Quintos sa New York, USA, “For Christmas, I’ll be in New York po with family [until] New Year [so] baka umikot na lang din around States.”
First solo trip naman ang lakad ni Ken Chan sa Estados Unidos, “10 days lang akong pinayagan ng GMA kasi right after kong pagpunta ng States, kinabukasan [ay] may trabaho na po ako. Sa 10 days ko, siyam na states ang pupuntahan ko [at] hindi ko alam paano gagawin [iyon].”
Babalik naman sa paboritong destinasyon niya si Glaiza de Castro, “Naka-schedule kami for Korea tapos doon kami magnu-New Year.”
Balak naman ni Alexander Lee na mag-Pasko dito sa Pilipinas, “I’m trapped here for My Korean Jagiya trying to make your Christmas happier. I [want to] experience Philippines Christmas ‘cause I heard [it’s] really big.”
Video courtesy of GMA News