
Isang nakaka-impress na acapella mula sa isa sa mga top hits ng pelikulang The Greatest Showman ang ibinahagi ni Miko Manguba sa kanyang social media account.
Ang T.O.P. singer ay kinanta ang Rewrite The Stars na original song nina Zac Efron at Zendaya. Ayon kay Miko ginawa niya ang acapella cover on the spot.
"REWRITE THE STARS (kinda on the spot hehe) Live acapella cover!"
Dagdag pa ng Kapuso performer, hindi niya maalis sa kanyang isipan ang kanta kaya napagdesisyunan niyang gawan ito ng cover.
Nakatanggap naman ng papuri si Miko dahil sa kanyang ginawang impromptu cover.
Good job, Miko!